^

Bansa

Taas sa kontribusyon kailangan sa Expanded Maternity Leave - SSS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Taas sa kontribusyon kailangan sa  Expanded Maternity Leave - SSS
Ayon kay Normie Doctor, SSS vice president for the Benefits Administration Division, kailangang magkaroon ng dagdag na kontribus­yon kung hindi ay maaapek­tuhan ang pondo ng SSS para sa iba’t ibang benepisyo ng mga mi­yembro.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Kakailanganin na maitaas ng Social Security System (SSS) sa 0.5 percent ang kontribusyon ng mga miyembro para pondohan ang dagdag na benepisyo para sa Expanded Maternity Leave Law.

Ayon kay Normie Doctor, SSS vice president for the Benefits Administration Division, kailangang magkaroon ng dagdag na kontribus­yon kung hindi ay maaapek­tuhan ang pondo ng SSS para sa iba’t ibang benepisyo ng mga mi­yembro.

Nilagdaan nitong nagdaang Labor Day ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Implementing Rules and Regulations ng Expanded Maternity Leave Law o Republic Act 11210.

Ang naturang batas ay magkakaloob ng paid maternity leave ng mga kababaihan ng may kabuuang 105 araw o mahigit 3 buwan mula sa kasalukuyang 2 buwan o 60 araw na maternity leave. 

Sinabi ni Doctor na sa napagtibay na batas, walang sinasabi kung saan magmumula ang pondong gagamitin sa expanded maternity leave.

“Since SSS ang nagbabayad ng maternity benefit, ibig sabihin, kami ‘yung magsho-shoulder ngayon nitong increase in the amount of maternity benefit, ang financial impact niya on the fund life of SSS is that it will cut the fund life of SSS by one year,” sabi ni Doctor.

EXPANDED MATERNITY LEAVE LAW

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with