^

Bansa

Wage increase ipauubaya sa regional wage board

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Wage increase ipauubaya sa regional wage board
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na lahat ng usa­pin sa wage increase ay nasa kamay ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board.
Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Hands off ang Palasyo sa isyu ng wage increase petition kaugnay ng pagdiriwang ng Labor Day sa bansa ngayon (Mayo 1).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na lahat ng usa­pin sa wage increase ay nasa kamay ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board.

Ayon kay Panelo, alam ng Regional Wage Board kung ano ang makakabuti sa panig ng mga manggagawa at employer.

Ginawa ng Malacañang ang pahayag matapos maghain ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines o TUCP na dagdagan ng P710 across the board ang minimum wage ng mga manggagawa kada araw na kasalukuyang nasa P537.

Kaugnay nito, iniha­yag ni Panelo na mala­ya ang alinmang labor groups na magsagawa ng kilos protesta sa Labor day at hindi ito pakikialaman ng pamahalaan hanggat walang nalalabag na batas sa mala­yang pagtitipon.

REGIONAL WAGE BOARD

WAGE INCREASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with