^

Bansa

Study: Pilipinas pinaka-emosyonal, ika-2 pinaka-stressed sa mundo

James Relativo - Philstar.com
Study: Pilipinas pinaka-emosyonal, ika-2 pinaka-stressed sa mundo
Ibinase raw nila ang mga resulta mula sa panayam ng 151,000 katao sa 140 bansa nitong 2018.
Philstar.com/Jonathan Asuncion

MANILA, Philippines — Lumalabas na isa ang Pilipinas sa pinaka-emosyonal at pinaka-stressed na bansa sa mundo, ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Gallup.

"Representing the views of citizens from more than 140 countries and areas, this study measures life's intangibles -- feelings and emotions -- that traditional economic indicators such as GDP were never intended to capture," ayon sa organisasyon.

Maliban sa Pilipinas, nakakuha rin ng 60% sa "total emotions" ranking ang bansang Niger at Ecuador sa Gallup 2019 Global Emotions Report.

Ibinase raw nila ang mga resulta mula sa panayam ng 151,000 katao sa 140 bansa nitong 2018.

"On average, six in 10 residents in each of these countries reported experiencing positive or negative emotions the previous day," sabi ng 24 na pahinang ulat.

Kaiba sa mga nasabing bansa sa itaas, pinaka-"hindi maramdamin" ang mga mamamayan mula sa dating Unyong Soviet.

"In Azerbaijan, Belarus and Latvia, fewer than four in 10 residents reported experiencing any of these feelings," dagdag ng ulat.

Samantala, lumalabas naman na ang Pilipinas ang ikalawang pinaka-stressed na bansa sa mundo.

Isang araw bago gawin ang nasabing pag-aaral, sinasabing 58% ng Pilipino ang nakaranas ng maraming stress.

Philstar.com/Jonathan Asuncion

Sumunod ang Pilipinas sa bansang Greece na nakakuha ng 59%.

Mga may positibo at negatibong pananaw sa buhay

Lumalabas na pito sa 10 bansa ang nagsasabing nakadama sila ng maraming enjoyment (71%), nakapag-pahinga nang maayos (72%), ngumingiti at tumatawa nang marami (74%) at nakadarama ng respeto (87%).

Sa kabilang banda, mas mababa naman ang bilang ng mga taong nagsasabing "may bago silang natutunan" o "ginawang interesante" isang araw bago ang panayam — mas mababa sa kalahati ang nakadama nito (49%).

Sa positive experience index, sinasabing nangunguna ang Paraguay at Panama sa 85 na puntos.

Paraguay ang nangunguna sa listahan simula pa noong 2015.

Kapansin-pansin naman daw na taun-taong nangunguna sa listahan ang mga Latin American countries.

Ayon sa Gallup, nasa kultura raw talaga ng mga Latino at Latina na tignan ang mga positibong salik ng buhay.

"The single country outside this region that made the most positive list was Indonesia, which has appeared in the top group since 2017," sabi ng Gallup.

Sa kabilang banda, muli na namang naitala ang Afghanistan bilang "least positive country" sa daigdig.

"Afghanistan was at the bottom of the list for the second consecutive year, with its score dropping five points from the previous year," dagdag ng ulat. 

Negative experience index 'record high'

Habang bumaba ng 2% ang overall stress levels noong 2018 kumpara sa naunang taon, tumaas ang mga nakadama ng "galit" ng dalawang puntos — ang pinakamataas sa kasaysayan.

"Worry and sadness, which were already at record levels, each increased by one point from the previous year," dagdag nila.

Hindi naman daw nagbago ang bilang ng mga nakadama ng pisikal na sakit.

Bagama't tumaas ang karamihan ng mga index items sa ilalim nito, nananatili ang puntos sa record high na 30.

"Scores worldwide ranged from a high of 54 in Chad to a low of 14 in Taiwan."

Ang mga Chadians din daw ang pinaka-"pain-stricken" at "pinakamalulungkot" na tao sa daigdig.

Aniya, mahigit anim sa 10 Chadian ang naka-dama ng pisikal na sakit (66%) at nababahala (61%) isang araw bago ginawa ang pag-aaral.

Malaking porsyento rin ang nagsabing nakararanas sila ng lungkot (54%) at stress (51%).

EMOTIONS

GALLUP

PHILIPPINES

STRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with