Travel tax pinatatanggal
MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Senado ang panukalang ibasura ang 42-taong Presidential Decree na nagpapataw ng travel tax sa mga Filipino na nagbibiyahe sa ibang bansa.
Ayon kay Sen. Koko Pimentel, dapat noon pang Nobyembre 2002 nabasura ang travel tax lalo na sa mga bumibiyahe sa mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) matapos malagdaan ang regional inter-governmental tourism agreement kung saan signatory ang Pilipinas.
Ipinunto ni Pimentel na sa nasabing ASEAN Tourism Agreement tinanggal na ang travel levies at taxes sa mga nationals na magbibiyahe sa loob ng rehiyon.
Bagaman at 14 na taon na simula ng malagdaan ang ASEAN Tourism Agreement pero hindi pa rin tinatanggal ang travel tax.
Layunin ng Senate Bill1841 ni Pimentel na magkaroon ng batas para tuluyang matanggal ang travel tax ng mga lumalabas ng bansa.
Naniniwala si Pimentel na karapatan ng mga Filipino na magbiyahe sa ibang bansa at hindi na dapat nilang balikatin ang travel tax.
Unang ipinatupad ang travel tax noong 1997 ni dating pangulong Ferdinand Marcos matapos ipalabas ang Presidential Decree 1183 para makalikom ng kaukulang pondo para sa mga programang may kinalaman sa turismo.
- Latest