Maayos na health policies itinutulak ni VP Robredo
MANILA, Philippines — Itinutulak ni Vice President Leni Robredo ang “innovative ways” at “streamlined” health regulations sa paghahatid ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa mga Filipino lalo na sa mga nakatira sa rural areas.
Kailangan anya na may mainam na sistema sa pagbibigay ng impormasyon sa tao hinggil sa mga posibleng opsyon ng mga ito sa gamot.
“Hindi humihingi ang mga pasyente ng serbisyo medical o mas mababang presyo dahil hindi sila nabibigyang-kaalaman. Kailangang maimulat ang mga mamamayan na meron silang ibang mapamimilian para makagawa sila ng mas mabuting desisyon,” sabi ni Robredo sa kanyang talumpati sa ikalawang Philippine Pharmaceutical Regulatory Affairs Summit and 16th Biennial Convention of the Philippine Association of Pharmacists in the Pharmaceutical Industry sa Muntinlupa City.
Pangunahing adbokasiya ni Robredo ang pangangalaga sa kalusugan (healthcare) sa pamamagitan ng Angat Buhay na kanyang flagship anti-poverty program, kasama ang PAPPI.
Sa kanyang speech, binigyang diin din ni Robredo ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa nga pribadong sektor upang mapabuti ang access ng mga Filipino healthcare.
- Latest