^

Bansa

‘Pakain sa aso’ remark ng NEDA official sa NFA rice, sampal sa mahihirap

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Pakain sa aso’ remark ng NEDA official  sa NFA rice, sampal sa mahihirap
Ayon kay National Food Authority-OIC Administrator Tomas Escarez, bukod sa insulto ito sa mahihirap na mamamayan at NFA emplo­yees na nangangalaga sa magandang kalidad ng bigas, ang pahayag ni Edillon ay hindi kaaya-ayang pakinggan mula sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Sampal umano sa mahigit 10 milyong mahihirap na Pilipino ang pahayag ni National Economic Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon na ang NFA rice ay kalimitang  pakain sa aso ng ilang mga Pinoy para makatipid sa gastusin.

Ayon kay National Food Authority-OIC Administrator Tomas Escarez, bukod sa insulto ito sa mahihirap na mamamayan at NFA emplo­yees na nangangalaga sa magandang kalidad ng bigas, ang pahayag ni Edillon ay hindi kaaya-ayang pakinggan mula sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan.

Sinasabing napaka-unprofessional din ni Edillon sa  pagma-matapobre na sabihin ito sa harap ng milyong mahihirap na mamamayan na kumakain ng murang bigas ng NFA.

Binigyang diin ni Escarez, hirap at buwis buhay ang nararanasan ng mga tauhan ng NFA para makarating lamang sa malalayo at mahihirap na lugar ang NFA rice hindi para ipakain ang suplay sa mga aso pero para sa mga taong kumakain ng abot kayang bigas na may mataas ding kalidad.

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY

ROSEMARIE EDILLON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with