^

Bansa

Palasyo 'di masisi ang PAO sa pagbaba ng measles immunization

Philstar.com
Palasyo 'di masisi ang PAO sa pagbaba ng measles immunization
Naniniwala naman ang Palasyo na may kinalaman ang kontrobersiya sa Dengvaxia, isang bakuna sa dengue, sa pagbaba ng immunization.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Palasyo na may kinalaman ang mga kasong inihabla laban kay Department of Health Sec. Francisco Duque III kaugnay ng Dengvaxia sa pagbaba ng nagpapabakuna pero hindi masisisi ang Public Attorney's Office dito.

Nagdeklara kahapon ng measles outbreak ang DOH sa National Capital Region at Central Luzon, dahilan tumaas ng 550 porsyento ang kaso sa Metro Manila ngayong Enero.

Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na labis na ikinalungkot ng Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon.

"Siyempre he was saddened. The president is always affected by any negative outcome that relates to children. Malungkot siya. Kaya ang sabi niya, gawan agad ng paraan agad," banggit ng tagapagsalita ni Digong kanina.

Nauna nang sinabi ni Health Sec. Duque na maaaring nakaapekto ang pagpapakalat ni PAO Chief Persida Acosta ng "maling impormasyon" kung bakit bumababa ang kumukha ng bakuna para rito. Naniniwala naman ang Palasyo na may kinalaman ang kontrobersiya sa Dengvaxia, isang bakuna sa dengue, sa pagbaba ng immunization.

Pinalawig na rin ngayong araw ang pagdedeklara ng outbreak ng tigdas sa iba pang bahagi ng Luzon, Central, at Eastern Visayas.

Wala naman daw nabanggit si Duterte sa pulong nila kagabi kung pananagutin ba sina Acosta at PAO forensics chief Dr. Erwin Erfe kaugnay ng pagbaba ng immunization.

"Nobody blamed anybody there. But Secretary Duque was complaining about how the PAO had impleaded him about several cases, and that is one of the many reasons why daw, people are hesitant. Kasi parang nawalan ng tiwala e, because of the Dengvaxia," sabi ni Panelo.

Dagdag ni Panelo, ginagawa lang ni Acosta ang kanyang trabaho.

Responsable na raw ang PAO chief para malaman kung nakaapekto ang mga pahayag niya sa takot ng marami.

"We'll leave it to her. As far as she's concerned, she's just doing her job. Protecting the parents of those, what she percieves to be dying by reason of dengvaxia," dagdag niya.

"The point of Secretary Duque, I think is, she has aggravated the situation by filing cases against him. Since he is the Department of Health chief, it affects his credibility vis-a-vis the people."

Gayunpaman, sinabi ni Panelo na dapat alam ng bawat abogado ang kalalabasan ng kanilang ginagawa.

"She's pursuing an advocacy. An impassioned one. So I cannot blame her for that. But even if we do that as lawyers, we are confronted with realities that our position may affect and impact negatively on the general public. So it's her call."

DOH gumagawa na ng paraan

Gumagawa na raw ng mga hakbang ang DOH ng paraan upang mapahupa ang takot ng marami sa pagpapabakuna sa mga bata.

Inatasan na raw nila ang Presidential Communications Operations Office na tumulong para magpatupad ng malawakang information campaign tungkol sa mga bakuna.

Naniniwala rin ang Palasyo na hindi ang Dengvaxia ang dahilan ng pagkamatay ng mga batang naturukan.

"In fact, Secretary Duque has requested the PCOO to help in the information campaign [on Dengvaxia], because according to Secretary Duque, their findings show that it's not Dengvaxia. It's more on pneumonia, heart disease, TB, the cause of death of all these children."

Giit ni Panelo, maging ang pangulo ay magiging kabahagi mismo sa pagkakampanya sa pagpapataas ng immunization.

Nauna nang sinabi ng pangulo na walang dapat ikatakot ang mga magulang sa bakuna.

Paggulong ng kaso

Kinumpirma ni Panelo na malapit nang lumabas ang resolusyon ng mga kaso kaugnay ng Dengvaxia.

Ilan sa mga isinasangkot dito ay sina Duque, dating presidente Benigno Aquino III, dating Health Secretary Janet Garin at dating Budget Secretary Florencio Abad.

"Secretary Menardo Guevarra said, a resolution is forthcoming on the cases filed against him. So it will maybe come next week, or the week after."

Gayunpaman, nanindigan si Panelo na wala itong kaugnayan sa effectivity ng Dengvaxia.

"I understand that the charge is more on technical malversation. In other words, they used a specific fund designed for another purpose and using it for another. Not on whether if Dengvaxia is the cause of death or what."

Hindi naman daw kakampihan ni Digong ang DOH o PAO anuman ang kalabasan ng findings ng Department of Justice.

"The president doesn't interfere or intrude into the department's authority and responsibility. DOJ has the duty to determine whether or not there is probably cause for any case filed before it against anybody."

DEPARTMENT OF HEALTH

MEASLES OUTBREAK

PUBLIC ATTORNEY'S OFFICE

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with