^

Bansa

‘Life’ sa magulang na ginagamit ang anak sa krimen, isinulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
âLifeâ sa magulang na ginagamit ang anak sa krimen, isinulong
Kaugnay ito sa panukalang ibaba sa 12 taong gulang ang criminal liability ng isang batang na­kagawa ng krimen.
File Photo

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng tatlong komite sa Senado na patawan ng pinakamabigat na parusang “reclusion perpetua” o habambuhay na pagkabilanggo ang mga magulang o kahit na sinong tao na nagsulsol at gumamit sa isang bata na gumawa ng isang mabigat na krimen na may parusang higit pa sa anim na taong kulong o “reclusion temporal.”

Kaugnay ito sa panukalang ibaba sa 12 taong gulang ang criminal liability ng isang batang na­kagawa ng krimen.

Sa rekomendasyon ng komite na nakatakdang isalang sa plenaryo sa susunod na linggo, ang mga 12 taong gulang na may pang-unawa na sa nagawang krimen o “discernment” ay dapat maging criminally liable na.

Ang report ay nilagdaan ng 11 senador kabilang ni Sen. Richard Gordon, chairman ng committee on justice.

Sa ilalim ng panukala, ang mga 12 anyos pababa na nakagawa ng isang krimen ay hindi kakasuhan o exempted sa criminal liability pero dapat sumailalim sa isang programa para ito ay magbago.

RECLUSION PERPETUA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with