^

Bansa

Palasyo kinundena ang pagpatay sa NDFP consultant

James Relativo - Philstar.com
Palasyo kinundena ang pagpatay sa NDFP consultant
Pagsisiguro ni Panelo, tutol sila sa ginawang pagpaslang sa consultant ng "underground."
Videograb from Radio Television Malacañang - RTVM

MANILA, Philippines — Hindi raw kukunsintihin ng Malacañang ang nangyaring pagpaslang kay Felix Randy Malayao, ang peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines na binaril sa isang bus sa Nueva Vizcaya kahapon.

Habang ipinararating ang pakikiramay sa binitay na overseas Filipino worker kamakailan, sinabi ito ni presidential spokesperson Panelo sa press briefing kanina: "[W]e also condemn the killing of the [NDFP] consultant."

(Kinukundena rin namin ang pagpatay sa [NDFP] consultant.)

Pinaputukan si Malayao habang natutulog sa isang bus sa Aritao alas dos y media, madaling araw ng Miyerkules na agad niyang kinamatay.

"There can be no act of violence against anyone regardless of whether they agree with the government, whether or not  we belong to the same ideology, or religious belief. We will never tolerate any unlawful killing in this country," dagdag ni Panelo.

(Hindi maaaring humarap sa karahasan ang sinuman kahit na hindi ka pabor sa gobyerno, kahit na iba ang iyong ideyolohiya, o paniniwalang panrelihiyon. Hinding-hindi namin kukunsintihin ang pagpaslang na labag sa batas sa bansang ito.)

Isa si Malayao sa mga nagrerepresenta sa NDFP sa mga peace negotiations na nagaganap kasama ang gobyerno ni Pilipinas.

Miyembrong organisasyon ng NDFP ang Communist Party of the Philippines at New People's Army na naglulunsad ng "digmang bayan" laban sa nakikita nilang mapang-aping pamahalaan na pinamumunuan diumano ng mga naghaharing-uri.

Nang tanungin kung sino sa tingin nila ang may pakana ng pagpatay, sinabi ni Panelo na wala pa silang nalalaman ukol dito. Pagtitiyak niya, iniimbestigahan na ito ng mga otoridad.

"We don't know. It's being investigated. But regardless of the motivation of killing, we condemn it," wika niya.

(Hindi pa namin alam. Iniimbestigahan na ito. Pero anumang motibo sa pagpaslang, tutol kami rito.)

Nauna nang itinuro ng mga militanteng grupo't kamag-anak ng biktima ang gobyerno bilang utak sa pagpatay kay Malayao.

"We know who is responsible for my brother’s death: the one who ordered them (communists) all killed,” ani Perla, kapatid ni Malayao sa panayam ng independent media outfit na Kodao habang tinutukoy ang Pangulong Rodrigo Duterte.

(Alam namin kung sino ang responsable sa pagkamatay ng kapatid ko: 'yung nagpapapatay sa lahat ng mga komunista.)

Itinuring namang extrajudicial killing na may pampulitikang motibo ng Bagong Alyansang Makabayan ang pagpatay.

"The death of Malayao is a case of extrajudicial killing done by suspected state forces gone berserk. We see no other motive and possible perpetrator. His death is clearly linked to his involvement in the peace talks and his other advocacies as a social activist. We demand justice for Randy," ayon sa pahayag ng Bayan sa Facebook.

(Ang pagpatay kay Malayao ay kaso ng extrajudicial killing ng pinaghihinalaang ahente ng estado. Malinaw na may kinalaman sa paglahok niya sa usaping pangkapayapaan at pagiging aktibista ito. Nananawagan kami ng katarungan para kay Randy.)

'Labag sa demokrasya'

Siniguro naman ng Palasyo na malinis ang kamay ng gobyerno mula sa krimen.

Aniya, labag ito sa mga itinuturo ng demokrasya.

"Whether it's for a personal reason, or connected with his ideology, we are against it. It's against the democratic practice and process." 

(Maging personal na kadahilanan ang pagpatay, o kunektado sa kanyang ideyolohiya, tutol kami riyan. Laag 'yan sa demokratikong gawi at proseso.)

Titignan na rin daw ng Commission on Human Rights ang insidente 

Nangyari ang pagpatay matapos muling mabigo ang peace process sa pagitan ng gobyerno at NDFP. 'Di lumaon ay tinawag na teroristang grupo ng presidente ang CPP-NPA-NDFP.

Isa si Malayao sa mga holder ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees na nagsisiguro sa kaligtasan ng mga consultants na lumalahok sa usaping pangkapayapaan. Dahil dito, malaya si Malayao at iba pang NDFP consultants pumunta sa anumang pagtitipon nang walang takot na maaresto.

Kaiba sa iba pang consultants, walang kinakaharap na kaso sa anumang korte ang biktima.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

MALACANANG PALACE

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

NEW PEOPLE'S ARMY

RANDY MALAYAO

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with