Vape nakakaadik din - DOH
MANILA, Philippines — Hindi maaaring gawing alternatibo ang vape sa sigarilyo.
Ito ang binigyan diin ng Department of Health (DOH) kasunod ng ilang rekomendasyon na gawing alternatibo sa sigarilyo ang ‘vape’ o ang paggamit ng electronic cigarette.
Ayon kay Health Under Secretary Eric Domingo, nakaka-adik din ang vape tulad ng sigarilyo dahil may sangkap din itong nicotine.
Aminado si Domingo na nababahala sila dahil posible ring lumipat sa paninigarilyo kalaunan ang mga vape user dahil nasanay at hinahanap na ng mga ito ang nicotine.
Dahil dito kung kaya’t pabor aniya ang DOH sa pagtaas ng excise tax sa mga produktong-tabako at alak.
Nais din ng kagawaran na magkaroon ng regulasyon sa paggamit ng e-cigarette.
Idinagdag ni Domingo na kailangang magkaroon ng pamantayan sa tinatawag na ‘juice’ maging sa mismong e-cigar para sa mga kaligtasan ng mga gumagamit.
- Latest