^

Bansa

Sakit ang addiction, 'di dapat krimen - psychologists

James Relativo - Philstar.com
Sakit ang addiction, 'di dapat krimen - psychologists
Sinusuri ng SOCO ang bangkay ng pinaghihinalaang tulak ng droga sa Quezon city.
The STAR/Joven Cagande, File

MANILA, Philippines — Tinawag na "ineffective" at labag sa karapatang pantao ng Psychological Association of the Philippines ang kasalukuyang pamamaran ng gera kontra droga ng gobyerno.

Sentro sa panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsugpo sa iligal na droga na nagdulot ng kamatayan sa libu-libong user at tulak.

Nanindigan ang PAP na maaaring gumaling ang mga adik sa pamamagitan ng tamang gamutan at suporta. Tinitignan ng grupo bilang sakit ang pagkakalulong o substance use disorder.

"Ang pagkukulong sa mga gumagamit ng droga ay labag sa mga umiiral na pananaw ng agham sa pagkalulong na nakasaad sa Mental Health Law. Kinundena na ng United Nations ang pamamaraang 'yan," sabi ng pahayag ng PAP sa Ingles.

Aniya, ginagawang pangkaraniwan na lang sa publiko ang human rights violations sa pamamagitan ng "tokhang" at "vigilante-style killings" kung saan nadadamay diumano ang mga inosente.

Ginawang ehemplo rin ng PAP ang mga bansang lumayo na mula sa criminalization para masugpo ang pagdami ng nalululong sa ipinagbabawal na gamot.

"Katulad ng bansang Portugal, gumagamit na sila ng ibang stratehiya base sa mga scientific evidence na nakitang mas epektibo sa pagpapababa ng mga namamatay sa droga at pagpapaunlad ng indicators na kaugnay ng iba't ibang patterns ng drug use sa iba't ibang clinical populations," dagdag ng PAP.

Ayon sa grupo, posibleng bumalik sa bisyo ang mga taong tumitigil dahil sa kawalan ng sistematikong pamamaraan sa pagsugpo ng kahirapan.

Maaalalang pumalo sa 52 porsyento ng pamilyang Pilipino, o 12.2 milyon, ang nagsasabing sila ay mahirap ayon sa survey ng Social Weather Stations noong third-quarter ng 2018.

Inirekomenda ng PAP na amyendahan na ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para maging mas siyentipiko ang pagsugpo sa drug abuse. 

"Dapat pag-aralan kung paano gagawin sa konteksto ng Pilipinas ang mga epektibong polisiyang ginawa na sa ibang bansa na hindi nagpapatupad ng criminalization," dagdag nila.

Dapat din daw ay muling sanayin ang pulisiya sa makataong pamamaraan ng mga taong may substance use disorder.

Sa tala ng grupong Karapatan noong Marso 2018, umabot na sa 20,000 ang namamatay sa war on drugs ng Pangulong Duterte, malayo sa 4,251 na naitala ng Philippine National Police noong Mayo.

PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

RODRIGO DUTERTE

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with