^

Bansa

NUJP konektado sa CPP ni Joma

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
NUJP konektado sa CPP ni Joma
Isiniwalat ni “RSV”, dating miyembro at organisador na, ang NUJP ay parte umano ng isang kolektibong unit sa pa­ngunguna ng political officer ng CPP.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — May ugnayan at direktang komunikasyon ang National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) kay Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison.

Isiniwalat ni “RSV”, dating miyembro at organisador na, ang NUJP ay parte umano ng isang kolektibong unit sa pa­ngunguna ng political officer ng CPP.

Direkta umano ang kanilang ugnayan sa Utrecht base leadership dahil sa espesyal na gawain ng NUJP, bilang pa­nangga ng NPA kapag ito ay nasusukol na ng militar.

Isa pang nagpakila­lang Ka Ernesto ang nagpahayag na matagal na siyang kasapi ng NUJP at pinapatunayan niyang ang operasyon at utak na nagpapatakbo ay mga komunista. 

Idinagdag ni Ka Ernesto ang paggamit ng NPA ng mga kabataan, pati na rin ang mga menor de edad na Lumad bilang armadong mandirigma ng kilusan.

Kaya aniya siya tumi­walag sa samahan ay dahil hindi na niya masikmura ang patuloy na paggamit ng kabataan na sumapi sa kilusan kahit na alam niyang ang kahihinatnan ng mga ito ay kamatayan o kulungan.

Una nang pinabula­anan ng NUJP ang aku­sasyon na sila ay “legal fronts” ng CPP-NPA-NDF.    

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

JOSE MARIA SISON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with