^

Bansa

Biktima ng paputok target mabawasan ng 50%

Philstar.com
Biktima ng paputok target mabawasan ng 50%
Naitala na ang anim na biktima ngayong taon ayon sa NCRPO.
File

MANILA, Philippines — Target ngayon ng National Captial Region Police Office na makalahati ang kaso ng biktima ng ligaw na bala at paputok sa pagpasok ng Bagong Taon.

Umaasa ang hepe ng NCRPO na si Director Guillermo Eleazar na magagawa nila ito sa pamamagitan ng information capaign.

“We are ready to secure Metro Manila residents during the New Year celebration,” sabi ni Eleazar habang nag-iinspeksyon ng bus terminals, paliparan, at daungan kahapon.

Aniya, walang dapat ikaalarma sa dagdag na pwersa ng kapulisan na itinalaga sa Kamaynilaan dahil para ito sa kanilang kaligtasan.

Inabisuhan din ni Eleazar ang publiko na gamitin ang 506 itinalagang firecracker zones ng pulis at mga lokal na gobyerno.

Maaari namang panoorin sa 25 lugar ang community fireworks display zones sa Metro Manila.

Naitala na ang anim na biktima ngayong taon ayon sa NCRPO. Dalawa rito ay pawang mga bata na nakalunok ng paputok.

Papalo sa 10,000 pulis ang itatalaga sa buong kamaynilaan, lalo na sa mga lugar kung saan may mga insidente ng "indiscriminate firing" at ligaw na bala sa huling sampung taon.

Sa inilabas na Executive Order 28 ng Pangulong Rodrigo Duterte, huhulihin ang mga taong basta-bastang magpapaputok ng baril at magbebenta ng ipinagbabawal na paputok.

“We would be in every nook and corner of Metro Manila during the New Year revelry. We urged the public to report to the nearest police station incidents of indiscriminate firing,” dagdag ni Eleazar.

Street parties vs paputok

Inirekomenda ni Sen. Nancy Binay na magtayo ng community celebrations ang mga lokal na gobyerno para mapigilan ang aksidente na maaaring makasakit sa mga bata sa paghihiwalay ng taong 2018.

“As a parent, we must be creative in welcoming the New Year. We must  limit the use of firecrackers to protect our children,” ayon sa senadora.

Mula sa 633 noong 2016, bumaba sa 463 ang firecracker injuries noong taon ayon sa Department of Health.

Naghain na ng dalawang panukalang batas si Binay na magbabawal sa pagbebenta, pagbibigay, at pagbabahagi ng paputok para mabawasan ang injuries.

CELEBRATIONS

FIRECRACKERS

FIREWORKS

NEW YEAR

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with