^

Bansa

Review ng source code ng PCOS machines posibleng palawigin

James Relativo - Philstar.com
Review ng source code ng PCOS machines posibleng palawigin
Isiniwalat ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na inrerekomenda ang pagpapalawig dito lagpas ng Enero.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Hindi malayong tumagal pa ang pagbubusisi sa gagamiting source code ng PCOS or automated election system para sa gaganapin na Halalang 2019.

Isiniwalat ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na inrerekomenda ang pagpapalawig dito lagpas ng Enero.

Isinasagawa ang naturang review upang masilip ang gagamiting software sa automated elections.

"For now, we have until Jan. 31 (to review the source code) at the De La Salle University," sabi ni Jimenez.

Magbibigay daan daw ito para lalo pang masiyasat ng mga interesadong grupo.

Ibinukas ng Comelec ang pagre-review sa mga tao simula pa noong Oktubre. 

Sa kasalukuyan, 66 na indibidwal kabilang sa 19 na grupo na ang lalahok sa local source code review. 

Wala pa namang inilalabas na mayor na komento ang mga nag-rereview. 

Sa bisa ng Republic Act 9369, inaatasan ang Comelec na isapubliko ang source code sa lahat.

AUTOMATED ELECTIONS

COMELEC

JAMES JIMENEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with