Oportunidad sa TESDA inilatag
MANILA, Philippines — “Sa pamamagitan ng skills training program at services ng TESDA, makukuha natin ang puso ng mga mamamayan.
Ito ang ipinahayag kahapon ng bagong Director General ng Technical Education and Skill Development Authority na si Secretary Isidro “Sid” S. Lapeña.
Aniya, dekalidad na skills training, trabaho at magandang kabuhayan ang solusyon sa maraming problema sa lipunan at hindi bala o digmaan kaya dapat bigyan ng sapat na pagkakataon ang lahat ng mamamayang Pilipino partikular ang mga mahihirap.
Inihayag ito ng 67-anyos na TESDA chief sa kanyang acceptance speech matapos ang isinagawang turn-over ceremony mula kay Officer-in-Charge Deputy Director General Rosanna A. Urdaneta na ginanap noong Oktubre 31 sa TESDA Women’s Center sa Taguig City.
Ayon kay Lapeña, labis niyang pinasasalamatan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagkakataon upang pamunuan ang TESDA.
Tiniyak din niya na hindi magkakaroon ng corruption sa ahensya sa panahon ng kanyang pamamahala, kung saan patunay umano ang kanyang pagsama ng ilang opisyal at tauhan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa kanyang panunumpa.
- Latest