^

Bansa

14.6M daragsa sa mga sementeryo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
14.6M daragsa sa mga sementeryo
Hindi pa siksikan kahapon sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig kaya naman sinamantala ng isang kaanak ang pagbisita sa puntod ng kanyang mahal sa buhay.
Ernie Pen?aredondo

MANILA, Philippines — Tinatayang 14.6-M ka­tao ang daragsa sa 4,677 mga pampublikong sementeryo, memorial parks at 76 columbaria sa buong bansa sa paggunita sa Todos Los Santos.

Bunsod nito, isinailalim kahapon ng Philippine National Police (PNP) sa full alert status ang pu­wersa nito upang matiyak na magiging mapayapa at matiwasay ang paggunita sa All Saints Day at All Souls Day ngayong Nobyembre 1 at 2. 

Sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, mahigit 160,000 tauhan ng PNP ang magbabantay sa mga sementeryo, ports, terminals at mga pangunahing lansangan sa bansa.

“We are on full alert status ?starting 6:30 a.m.  (Wednesday),” pahayag ni Albayalde.

Ang full alert status ay mananatili hanggang sa Lunes (Nobyembre 5).

Kahapon, personal na pinangunahan ng PNP chief ang pag-iinspeksyon sa mga bus terminal at iba pang sektor ng transportasyon.

Mahigit 32,000 pulis ang idineploy sa buong bansa sa mga sementeryo, Police Assistance Desks, paliparan, daungan, terminals at mga pangunahing lansangan.

Nasa 2,000 namang pulis sa Camp Crame ang nakahanda para sa augmentation sa mga beat patrol teams sa mga malls at maging sa residential areas.

Nangangahulugan ang full alert status na wala munang bakasyon ang kapulisan.

Samantala nasa 87,000 Barangay Security Officers at iba pang force multipliers, mga tauhan ng AFP at iba pang ahensya ng gobyerno gayundin ang mga volunteers ang tutulong sa panga­ngasiwa sa seguridad.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TODOS LOS SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with