^

Bansa

Joey Marquez, anak na si Jeremy hiwalay ng landas sa pulitika

Pilipino Star Ngayon
Joey Marquez, anak na si Jeremy hiwalay ng landas sa pulitika
Si Jeremy ay running-mate ni dating Mayor Florencio Bernabe Jr., na katunggali ni incumbent Parañaque Mayor Edwin Olivarez, sa ilalim ng administrasyon na PDP-Laban, sa darating na May 2019 elections.
Jeremy S. Marquez Facebook

MANILA, Philippines — Hindi sinuportahan ni dating Parañaque City Mayor at actor Joey Marquez ang kanyang anak na si Jeremy na tumatakbong vice mayor sa lungsod kalaban si incumbent Vice Mayor Rico Golez.

Si Jeremy ay running-mate ni dating Mayor Florencio Bernabe Jr., na katunggali ni incumbent Parañaque Mayor Edwin Olivarez, sa ilalim ng administrasyon na PDP-Laban, sa darating na May 2019 elections.

Hindi nagpakita ang matandang Marquez ng mag-file ng certificate of candidacy (CoC) ang tandem nina Bernabe-Marquez noong Martes sa lokal na Commission on Elections sa city hall.

Subalit, ipinakita ng actor-turned-politician ang pagsuporta sa kandidatura nina Olivarez at Golez matapos itong magpakita sa Comelec ng mag-file ng CoC ang mga kandidato ng PDP-Laban.

Si Jeremy ay dating chairman ng Barangay BF hanggang noong 2016. Nagsimula ang tampuhan ni Jeremy at ng kanyang ama ng tumakbo itong vice mayor laban kay Golez noong 2016 kung saan nagwagi si Golez, anak ng dating Rep. Roilo Golez.

 “Matigas kasi talaga ang ulo nitong si Jeremy. Hindi makapaghintay ng tamang panahon para banggain ang mga beteranong pulitiko sa Parañaque,” diin ni Joey.

Si dating Parañaque councilor at actress Alma Moreno, dating asawa ng matandang Marquez, ay nagbigay din ng suporta sa Olivarez-Golez team. Ang anak ni Moreno kay comedian king Dolphy na si Vandolp ay sa ticket nina Olivarez bilang re-electionist councilor.  

JEREMY MARQUEZ

JOEY MARQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with