Gazmin sabit sa ‘usurpation of authority’ – Duterte

MANILA, Philippines — Sasabit sa kasong “usurpation of authority” si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin matapos irekomenda at bigyan ng amnesty ang grupo nina Sen. Antonio Trillanes IV.
Ito ang paniwala ni Pangulong Duterte na nagsabing si Gazmin ang nagrekomenda mismo at nagbigay rin ng amnest kina Trillanes na nasangkot sa Oakwood Mutiny noong 2003 at Manila Peninsula siege noong 2007.
Matatandaan na iprinotesta ng grupong Magdalo kung saan namuno si Trillanes ang umano’y korapsiyon na nangyayari sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
“Si Voltz (Gazmin), you know, he recommended that a general amnesty be given. And then after his recommendation, he approved it. Siya mismo ang nag-grant. Siya ang nag-recommend, eh bakit ka pa mag-recommend eh ikaw din pala ang pipirma ‘di diretso ka na…So what’s the crime of Voltz? Sabihin ko sa inyo kung ano Usurpation of authority,” pahayag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, ang pagbibigay ng amnestiya ay nasa kapangyarihan ng Pangulo ng bansa na kinakatigan ng Kongreso.
“In the matter of granting pardon or amnesty, it’s a constitutional mandate of the president... the power to pardon and the power to grant amnesty with the concurrence of Congress is a presidential power. It cannot be delegated to anybody else. Constitutional mandate ‘yan,” sabi ng Pangulo.
Sinabi rin ni Duterte na mabigat ang ginawa ni Gazmin dahil pinatawad umano nito ang mga kriminal na ang pinatutungkulan ay ang grupo ni Trillanes.
- Latest
















