P1.3 B pinsala ni Henry, Inday, Josie
MANILA, Philippines — Umaabot na sa P1.3 bilyon ang iniwang pinsala ng magkakasunod na bagyong Henry, Inday, Josie na pinatindi pa ng southwest monsoon o habagat.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary Ricardo Jalad, nasa P1,377,090,104 halaga ng imprastraktura at agrikultura ang nasira sa Regions I, II, III, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon), MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan), VI at Cordillera Autonomous Region.
Aabot naman sa 250,536 pamilya o 1,132,666 katao ang naapektuhan sa 667 barangay sa Regions I, III, Calabarzon, Mimaropa, VI at CAR gayundin sa National Capital Region (NCR).
Partikular na nagkaroon ng pinsala sa mga lalawigan ng Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Batangas, Rizal, Laguna, Occidental Mindoro, Negros Occidental at Aklan na may production loss na 314 metric tons.
- Latest