Ex-DOTr chief, 16 iba pa idiniin na ng Ombudsman
Sa anomalyo sa MRT
MANILA, Philippines — Pinakakasuhan na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si dating Department of Transportation (DOTr) Secretary Joseph Emilio Abaya at 16 na iba pa matapos makakita ng probable cause kaugnay ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act tungkol sa umanoy maanomalyang P4.2 bilyong MRT3 maintenance contract.
Sa resulta ng imbestigasyon ng Special Panel of Investigators ng Ombudsman, nadiskubre nila na noong October 2014 at January 2015, ang DOTr ay nagsagawa ng dalawang biddings para sa tatlong taong maintenance service contract para sa MRT3. Ang parehong bidding ay bigo umano dahil sa non-submission of bids.
Sa ulat ng Commission on Audit, bigo ang “DOTr na maibigay sa riding public ang ligtas at komportableng transport system kahit na may procurement at delivery noong August 2015 hanggang January 2017 ng 48 bagong LRVs na may kabuuang halagang P3,759,382,400.00.
Sinasabi ng Ombudsman na ang naturang mga respondents ay nagbenepisyo, nanamantala nang mai-award ang proyekto sa Busan JV na isang ineligible at unqualified entity.
Sinabi pa ng Special Panel ng Ombudsman na may naganap na iregularidad nang mai-award ang proyekto dahil pinayagan ang Busan JV na magsumite lamang ng Certificate of Registration ng BURI bilang isang Special Purpose Company (SPC) sa halip na valid JVA.
- Latest