^

Bansa

Ex-PNoy pinakakasuhan ng Ombudsman sa DAP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ex-PNoy pinakakasuhan ng Ombudsman sa DAP
Ito’y makaraang ma­kakita si Morales ng pro­bable cause para kasuhan si Aquino sa Sandiganbayan hinggil sa paglabag sa Article 239 ng Revised Penal Code.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinakakasuhan na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si dating Pangulong Noynoy Aquino sa kasong usurpation of legislative powers kaugnay ng kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ito’y makaraang ma­kakita si Morales ng  pro­bable cause para kasuhan si Aquino sa  Sandiganbayan hinggil sa paglabag sa Article 239 ng Revised Penal Code. 

Ang pagsasampa ng kaso kay Aquino ay inutos ni Morales makaraang aksiyunan ang motions for reconsideration na naisampa ng mga complainant na sina Congressmen Carlos Isagani Zarate, Renato Reyes, Benjamin Valbuena, Dante LA Jimenez, Mae Paner, Antonio Flores, Gloria Arellano at Bonifacio Carmona, Jr.

Ang kaso ay nag-ugat sa maanomalyang pagpapalabas ng National Budget Circular (NBC) No. 541 na nagpapatupad sa DAP na may kinalaman sa P72 billion public funds.

“A re-evaluation of the case establishes that the individual actions of respondent Aquino and respondent-movant Flo­rencio Abad showed a joint purpose and design to encroach on the powers of Congress by expanding the meaning of savings to fund programs, activities and projects under the DAP,” ayon sa Ombudsman.

Sa pinalabas na reso­lusyon ng Ombudsman, sinabi nitong ang budget circular ay hindi maaaring maipalabas nang walang palitan ng kasunduan sa pagitan ni Aquino at Abad.

“Abad’s act of issuing NBC cannot be viewed in a vacuum.  The evidence on record shows that an exchange of memoranda between (Aquino) and (Abad) precipitated its issuance. Verily, without the approval of the said memoranda by respondent Aquino, NBC would not have been issued,” ayon sa resolusyon.

Nauna ng tinukoy ng Korte Suprema na unconstitutional ang ilang bahagi ng nasabing programa partikular na ang pondo na nanggaling sa hindi lehitimong savings; pondo na nailipat patungo sa ibang sangay ng pamahalaan; at paggamit ng unprogrammed fund na walang sertipikasyon mula sa national treasurer.

CONCHITA CARPIO MORALES

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

OYNOY AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with