4 aborsyonista timbog sa Maynila
MANILA, Philippines — Swak sa kalaboso ang apat na ginang na sinasabing mga aborsyonista sa isinagawang entrapment operation ng Regional Special Operation Unit ng National Capital Region Police Office (RSOU-NCRPO) sa isang motel sa Sta. Cruz, Manila, kahapon ng umaga.
Kinilala ni NCRPO Dir. Chief Supt. Guillermo Eleazar ang apat na nadakip na sina Joy Ocampo, 55, Gemma Atchico, 42, Liza Mirafuentes, 43 at si Virgie Blanco, 54, pawang naninirahan sa Rizal Ave., Sta Cruz Manila.
Ayon kay Eleazar, alas- 11:00 ng umaga nang isagawa ng mga tauhan ng RSOU ang entrapment operation sa Dream Suites Manila na nasa panulukan ng Rizal Avenue at Lope De Vega St. nang nasabing lungsod.
Batay sa imbestigasyon, isa sa mga tauhan ng RSOU ang nagpanggap na customer sa mga suspek at habang aktong nakikipagtransaksyon ay saka ikinasa ang entrapment laban sa mga suspek.
Nakarekober ang mga otoridad mula sa mga suspek ang ilang apparatus na ginagamit sa abortion.
Pahayag pa ni Eleazar na kanila na itong iniimbestigahan at kanilang pinag-aaralan kung mayroon na pananagutan ang may-ari ng nasabing motel at kung anong kaukulang kaso ang isasampa sa mga ito.
Samantala ang mga suspek ay kasalukuyan nang humihimas sa rehas ng RSOU at nakatakdang sampahan ng kasong medical malpractice at frustrated abortion.
- Latest