^

Bansa

Postponement ng Bgy., SK polls niratsada na ng House

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Postponement ng Bgy.,  SK polls niratsada na ng House
Ito ay matapos lumusot na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7378 matapos isagawa ang botohan sa plenaryo ng mababang kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ng viva voce votes.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Niratsada na sa plenaryo ng Kamara ang panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo 2018.

Ito ay matapos lumusot na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7378 matapos isagawa ang botohan sa plenaryo ng mababang kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ng viva voce votes.

Tanging sina ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tino, Buhay Party-list Rep. Lito Atienza at Kabataan Party-list Rep. Sara Elago ang tumutol sa naturang panukala.

Ginawa ang botohan dalawang araw matapos na makalusot sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang nasabing panukala.

Sa ilalim ng panukala, hindi na matutuloy sa Mayo ang halalan ng barangay at SK sa halip ay itinatakda ito sa ikalawang Lunes ng Oktubre 2018.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na naipagpaliban ang dalawang halalan.

Ayon kay CIBAC Rep. Sherwin Tugna, chairman ng komite, na nagdesisyon sila pabor sa pagpapaliban ng halalan para mabigyan ng sapat na panahon ang Comelec sa paghahanda sa eleksyon at para maisabay na rin sa halalan ang plebisito para sa pagbabago ng Konstitusyon.

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN

HOUSE BILL 7378

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with