^

Bansa

Lower court judges kay Sereno: Mag-resign na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Lower court judges kay  Sereno: Mag-resign na
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakakuha siya ng impormasyon na pati ang mga judges sa lower courts ay plano na ring hilingin ang pagbibitiw ni Chief Justice Sereno.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Maging ang mga hukom sa lower courts ay hihilingin na rin kay on-leave Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang pagbibitiw nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakakuha siya ng impormasyon na pati ang mga judges sa lower courts ay plano na ring hilingin ang pagbibitiw ni Chief Justice Sereno.

Ang pagbubunyag ay ginawa ni Roque sa harap na rin ng pag-alma nito sa akusasyon ng Chief Justice na siya’y binu-bully ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Wika pa ni Roque, hindi na kailangang i-bully siya ng Pangulo gayung mismong mga kasamahan niyang mahistrado sa Korte Suprema ay walang kumampi sa kanya at bagkus, lahat ng mga ito ay humihingi na ng kanyang pag­bibitiw.

Binigyang-diin pa ng presidential spokesman, mga kasama ni Sereno ang nagsasabing hindi siya karapat-dapat sa Korte Suprema at hindi ang Presidente.

Magugunita na 13 justices ang humiling na magsumite ng indefinite leave si Sereno sa ginanap na en banc meeting ng mga ito.

CHIEF JUSTICE MA. LOURDES SERENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with