^

Bansa

Bato tutulungan ang pulis-Maynila na nakapatay sa sumaksak sa kaniya

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon
Bato tutulungan ang pulis-Maynila na nakapatay sa sumaksak sa kaniya

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Philippine National Police Director General Ronald “Bato” dela Rosa na hindi niya pababayaan ang pulis na nakapatay sa lalaking sumaksak sa kaniya sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni dela Rosa na tutulungan niya si Police Officer 1 Jester Versoza na nakatakdang sampahan ng kasong homicide matapos niyang mapatay si Reynaldo Lee Jr.

“I will never let him down. Hindi ko pababayaan ‘yung pulis ko na ‘yan. Tutulungan ko yan,” sabi ng PNP chief.

Nakita sa kuha ng closed circuit television camera ang insidente kung saan bigla na lamang hinabol ni Lee ang nakamotor na si Versoza bago inundayan ng saksak.

Nakatakbo naman ang pulis bago nakakuha ng pagkakataong paputukan si Lee na namatay sa harap ng kaniyang ina.

Sinabi ni Versoza na dinepensahan lamang niya ang kaniyang sarili matapos mabigla sa pag-atake sa kaniya ni Lee.

Hindi tumakas si Versoza at hinintay pa bago madala sa ospital si Lee bago siya sumuko sa mga kapwa pulis.

Samantala, nilinaw naman ni dela Rosa ang pagkakaposas at paghahanda ng kaso kay Versoza.

“Well just to clear your doubt. As a matter of procedure, dapat kasuhan siya dahil may namatay. Talagang magco-complain ‘yung pamilya,” paliwanag niya.

Iginiit ng PNP chief na dinepensahan lamang ni Versoza ang kaniyang buhay mula sa tiyak na kapahamakan.

“Very clear naman hindi ba? Last resort na ‘yung baril dahil inattack na siya, tumba na sya hindi ba? Tinamaan siya dito,” patuloy ni dela Rosa.

 

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with