TRAIN inakyat na sa Korte Suprema
MANILA, Philippines — Naghain sa Korte Suprema ang mga kongresista mula sa Makabayan bloc ng petisyon para hilingin ang pagpapatigil sa implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Sa kanilang petition for certiorari, iginiit sa Supreme Court nina ACT Rep. Antonio Tinio, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Anakpawis Rep. Ariel Casilao na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) at ibasura ang TRAIN law.
Ayon sa Makabayan bloc, nilabag ng Kongreso ang konstitusyon at ang sarili nitong rules nang pagtibayin ang Bicameral Conference Committee Report sa TRAIN bill. Ito ay dahil wala anilang quorum nang pagtibayin ang bill.
Iginiit ng grupo na ang TRAIN Law ay hindi magbibigay ng benepisyo sa manggagawa o sa adjustment sa Income tax dahil tataas ang presyo ng mga bilihin.
- Latest