^

Bansa

Abas bagong Comelec chairman

Rudy Andal at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Abas bagong Comelec chairman

Devanadera at Abas

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong chairman ng Commission on Elections si Come­lec Commissioner Sheriff Abas kapalit ng nagbitiw na si Andres Bautista.

Nilagdaan ni Pangu­long Duterte ang appointment ni Comm. Abas bilang bagong Comelec chief nitong November 22. May termino si Abas hanggang February 2, 2022 bilang Comelec chairman upang ituloy ang unexpired term ng nagbitiw na si Bautista.

Ayon naman kay Co­melec spokesman Director James Jimenez, hindi agad makakaupo bilang pinuno ng Comelec si Abas dahil kailangan pa nitong dumaan sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA).

Ang pagkakapili kay Abas ay hindi umano maituturing na ad interim appointment dahil ito ay ginawa habang nasa sesyon pa ang Kongreso.

Paliwanag ni Jimenez, hanggang hindi naaaprubahan ng CA ang nominasyon ni Abas, si Commissioner Christian Robert Lim ang mananatili pa ring acting Chairman ng Comelec.

Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Duterte si Roberto Bernardo bilang undersecretary sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at former Solicitor-General Agnes Devanadera bilang bagong chairperson ng Energy Regulatory Commission (ERC) kapalit ng sinibak na si Jose Vicente Salazar.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with