^

Bansa

Nat’l ID lusot sa 2nd reading

Butch Quejada at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Lusot na sa ikalawang pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang Filipino Identification System o National ID System Bill.

Kaugnay nito ay tiniyak ng House appropriations committee na mapopondohan ang pagpapatupad ng House Bill 622, na isa sa mga priority measures ng Kamara.

Nakasaad sa ilalim ng panukala na magiging mandatory sa Pilipino na edad 18-anyos, na kumuha ng libreng national ID.

Bagamat libre sa pagkuha ng national ID, dapat namang magbayad kung magpapa-reissue daw nito.

Magiging repository ng lahat ng personal data para sa national ID ang Philippine Statistics Authority.

Mahigpit na ipinagbabawal naman ang paglabas ng personal data mula sa national ID kung wala namang kaukulang permiso, at sinumang lumabag dito ay mahaharap sa parusang pagkakakulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon.

Pagmumultahin din ang lalabag dito mula P60,000 hanggang 200,000.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with