^

Bansa

Pinay ligtas na sa bitay sa UAE

Ellen Fernando at Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Pinay ligtas na  sa bitay sa UAE

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), in-acquit ng Court of Appeals (CA) sa Al Ain ang OFW na si Jennifer Dalquez sa kasong murder matapos ang pagdinig nitong Hunyo 19, 2017. Edd Gumban, File

MANILA, Philippines -  Ligtas na sa parusang bitay ang 30-anyos na Pinay matapos na ipawalang-sala ng appellate court sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), in-acquit ng Court of Appeals (CA) sa Al Ain ang OFW na si Jennifer Dalquez sa kasong murder matapos ang pagdinig nitong Hunyo 19, 2017.

Pinawalang-sala si Dalquez dahil sa depensa nito na ipinagtanggol lamang nito ang kanyang sarili matapos siyang tangkaing gahasain ng amo. 

Idineklara ng CA ng UAE si Dalquez na inosente nang walang kaukulang diyyah o bayad na blood money.

Gayunman, mananatili si Dalquez sa kulungan upang isilbi ang limang taong sentensya at maibabawas dito ang panahon ng kanyang pagkakakulong dahil naman sa kasong pagnanakaw ng mobile phone.

Si Dalquez ay unang sinentesyahan ng Court of First Instance ng Al Ain ng kamatayan noong Mayo 20, 2015 dahil sa pagpatay sa kanyang Arab employer na si Mr. Alaryani noong Disyembre 7, 2014.

Ikinatuwa naman ni Gabriela Women’s Party Rep. Emmi de Jesus ang ginawang pagpapatawad ng UAE court kay Dalquez sa kaso nitong murder.

‘We commend Migrante International and partner organizations who have tirelessly pushed the #SaveJenniferDalquez campaign online and offline,” sabi ni de Jesus.

Gayunman, hiniling nila kay Pangulong Duterte na gumawa ng paraan para mabalewala na ang ibang kaso ni Dalquez dahil makukulong pa ito ng 5 taon sa pagnanakaw ng celphone para makauwi na agad ito sa kanyang pamilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with