^

Bansa

2 nagpakilalang taga-Malacañang, timbog sa entrapment

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa sa tatlong nagpanggap na konektado sa Malakanyang at nangikil ng halagang P30,000 sa isang aplikante ang naaresto sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation- Anti-Fraud Division, sa Maynila, kamakalawa.

Nakapiit sa NBI detention Facility habang inihahanda ang mga reklamong Usurpation of Authority at Estafa sa ilalim ng Article 177 at Article 315 ng Revised Penal Code laban sa mga suspek na sina Aira Soriaga Enriquez at Roberto Aluren Tesorero.

Pinaghahanap ang isa pang suspek na si Alma S. Carreon.

Sa ulat ng NBI-AFD, dinakip ng mga operatiba ng NBI sina Enriquez at Tesorero nang tanggapin nito ang P10,000 marked money na iniabot ng complainant (itinago ang pagkakilanlan) sa isang establisimento sa Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa imbestigasyon, naging intere­sado umano ang complainant na makapasok ng trabaho sa gobyerno partikular sa pagiging regional director ng Office of Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources matapos makadalo sa seminar noong nakalipas na Pebrero na pinamunuan ni Major General Galma Jeremiah Arcilla ng Transnational Anti-Organized Crime Intelligence Group.

Hinikayat umano ang mga nagseminar na kung gustong magtrabaho sa gobyerno ay maaari nilang matulungan.

Naging daan umano ito para samantalahin ng mga suspek. Ang mga dumalo  sa seminar noong Peb. 24, 2017 Marco Polo Hotel sa Davao City  ay pawang mga aplikante na nagmula sa Luzon, Zambales at Maynila kung saan kabilang ang complainant .

Dahil may nakabinbing aplikasyon sa Presidential Management Staff (PMS) ang complainant kaya nahimok siya ni Enriquez na nagpakilalang taga-Malakanyang na magagawan ng paraang mapabilis ang proseso at hiningian siya ng P20,000 at sinabihan na ang ‘little president ng Malacañang” na si Carreon naman ang mag-iinterbyu sa kaniya, na nangyari kinabukasan.

Pinangakuan siya na haharapin para sa interbyu ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naman nangyari at si Carreon na ang nagsagawa ng final interview. Pinaasa siya na makakatanggap na ng appointment paper kasunod ang oathtaking.

Nitong Abril, natanggap ng complainant ang email mula kay Enriquez na nagsasaad na natanggap na ng Office of the President ang application papers niya kaya hiningian siya ng budget umano sa paglakad nito ng P10,000.

Nagduda ang complainant kaya humingi ng tulong sa NBI dahilan para madakip ang dalawa sa tatlong suspek.

Sa beripikasyon, hindi konektado o empleyado ang tatlong suspek sa Office of the President.

Natuklasan pa na si Enriquez ay nasangkot sa mga kaso ng carnapping, estafa at iba pang uri ng panloloko.

MALAKANYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with