^

Bansa

Postal ID, maaaring gamitin sa pagkuha ng passport - DFA

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs  (DFA) na tinatanggap na nito sa lahat ng mga opisinang konsular ang Improved Postal ID bilang isa sa mga pangunahing dokumento ng pagkaka­kilanlan para sa mga nais makakuha ng pasaporte.

Inihayag ng DFA ang kumpirmasyon sa pagtanggap sa Postal ID bilang pangunahing ID mula sa isang liham ni DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns Ariel Y. Abadilla kay Assistant Postmaster General Luis D. Carlos bilang pangunahing ID “sa katangiang pisikal at biometrics na nagpaunlad ng antas ng seguridad nito. “

Idinagdag pa ni Aba­dilla na mapapabilang na ang Improved Postal ID sa bagong bersyon ng e­Passport Application Form na ilalabas ng DFA sa mga susunod na linggo.

Dahil ang Improved Postal ID ang pinakamadaling makuhang valid ID mula sa gobyerno, higit na mapapadali na para sa mga ordinaryong mamamayan ang pagkuha ng passport. 

Kasama ang Postal ID, kailangan na lamang isumite sa DFA ng mga nais mag-apply nito ang kanilang birth certificate at application form na may kumpletong detalye.

Ang Improved Pos­tal ID ay tinatanggap din bilang valid ID sa lahat ng institusyong pinansyal na pinangangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa buong bansa.

Ang mga Pilipino at dayuhan na naninirahan sa bansa nang anumang edad o propesyon ay maaaring mag-apply para sa Improved Postal ID.

Kailangan lamang ng dalawang (2) kopya ng application form na mayroong kumpletong detalye, katibayan ng katauhan at katibayan ng tirahan.  Ang application fee ay nagkakahalaga ng P504.00, kasama na ang tax at delivery fee.

POSTAL ID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with