^

Bansa

Dayan marami pang itinatago - DOJ

#INTRIGA PA MORE - Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa kumbinsido si Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa mga ibinulgar ni Ronnie Dayan na da­ting driver at bodyguard ni Sen. Leila de Lima sa Kamara noong Huwebes.

Ayon kay Aguirre, mas­yado umanong ‘selective’ ang mga impormasyon na sinabi ni Dayan at may itinatago pa ito kaugnay sa pagtanggap ng drug money para kay de Lima.

Aniya, naniniwala siyang may pinoprotektahan pa si Dayan bukod pa sa kanyang sarili.

Tulad na rin ng mga  mambabatas, kapansin-pansin ang pagkakaiba ng mga sinabi ni Dayan sa mga naunang testimonya nina Kerwin Espinosa at mga high-profile inmates.

Iginiit ni Aguirre na kung mapasailalim sa Witness Protection Program (WPP) si Dayan, kaila­ngang ihayag na nito lahat ang kanyang nalalaman at huwag ng magtago ng impormasyon.

Si Dayan ay inilagay na sa isang safehouse sa Pangasinan.

JUSTICE SEC. VITALIANO AGUIRRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with