^

Bansa

Duterte binanatan uli ng UN sa isyu ng human rights

Ellen Fernando at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling ‘inupakan’ ng isang mataas na opisyal ng United Nations si Pa­ngulong Rodrigo Duterte dahil sa kakulangan umano nito nang pang-unawa pagdating sa usapin sa karapatang pantao.

Sa ginanap na ika-33 sesyon ng Human Rights Council noong Martes, tahasang binira at isa sa nasingle-out ni UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein si Pangulong Duterte matapos ang tahasang pag-angal ng Pangulo sa mga pagpuna ng UN at sa imbestigasyong ikinakasa ng mga institusyon o mga grupo kaugnay sa mataas na bilang ng extrajudicial killings sa Pilipinas.

“The President of the Philippines’s statements of scorn for international human rights law display a striking lack of understanding of our human rights institutions and the principles which keep societies safe,” ani Al Hussein.

Ipinunto ni Al Hussein na nagiging pundasyon sa kumpiyansa at seguridad ng publiko ang “fair at impartial rule of law” at ang ginagawang pagpatay ng mga pulis sa mga indibiduwal na sinasabing suspek sa droga, mayroon o walang ebidensya ay kawalan umano ng hustisya.

Iginiit ni Al Hussein na may karapatan ang mamamayan ng Pilipinas  na dumulog sa mga patas na judicial institutions na nagbibigay garantiya para sa tamang proseso.

“The people of the Philippines have a right to judicial institutions that are impartial, and operate under due process guarantees; and they have a right to a police force that serves justice,” ayon pa kay Al Hussein.

Hinimok pa ni Al Hussein ang Duterte adminis­tration na mag-imbita ng Special Rapporteur sa extrajudicial killings upang mapatunayan na walang paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.

Bilang reaksyon, iginiit ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na batid ni Duterte ang limitasyon ng kanyang kapangyarihan at awtoridad bilang chief executive ng bansa.

Ayon kay Abella, mismong si Duterte na ang nagsabi sa kanyang ina­uguration bilang chief executive noong June 30 na alam niya ang legal at pagsunod sa due procees at rule of law. Hindi umano kinukunsinti ng Pangulo ang extrajudicial killings sa gitna ng pina-igting na kampanya ng gobyerno kontra droga.

“President Duterte is a respecter of human rights, but he has also been firm in saying that human rights cannot be used as an excuse to let the spread of drugs in the country run rampant. Notwithstanding the accusations hurled against him, no formal charge of human rights violations has been filed. Alleged EJKs are not the policy of his administration,” paliwanag pa ni Abella.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with