P50-M patong sa ulo, pinagtawanan ni Duterte
MANILA, Philippines – Pinagtawanan lamang ni incoming President Rodrigo Duterte ang ulat na P50 milyong bounty sa kapalit ng kanyan g ulo.
Ayon kay incoming Philippine National Police chief Ronald “Bato” dela Rosa, hindi ikinabahala ni Duterte ang banta na siya ay ililikida ng mga drug lords na nag-alok nang P50 milyong bounty kapalit ng kanyang buhay.
Sinabi ni dela Rosa, hindi na kailangan ang dagdag na seguridad sa president-elect dahil sapat na ang nakatalaga ditong security. Wika pa ni dela Rosa, ang reward sa kanilang ulo ni Duterte ay mula raw sa mga nakakulong na drug lords sa New Bilibd Prison sa Muntinlupa pero tumangging pangalanan ang drug lord.
May lumabas naman na ulat na isang bigtime inmate sa National Bilibid Prison (NBP) na si Peter Co, convicted drug kingpin, na sinasabing maglalaan ng tig-P50-milyon upang ipapatay sina Duterte at dela Rosa.
Si Co ay sinasabing isa sa 19 “high value” inmates na namumuhay umano na parang hari at tinatrato na VIP sa NBP.
Ang naturang ulat ay hindi pa kinukumpirma ng kampo ni Duterte bagaman una nang sinabi ni dela Rosa na hawak na nila ang pangalan ng mga convicted drug lords sa NBP na may pakana sa assassination plot sa incoming president at naturang PNP chief.
- Latest