Kahit si PNoy pa ang pangulo… Paggamit ni Digong sa PTV-4, OK sa Palasyo
MANILA, Philippines – Hindi isyu sa Malacanang ang paggamit ni President-elect Rodrigo Duterte sa PTV-4 kahit sa Hunyo 30 pa ang pormal na pagsisimula ng panunungkulan nito at si Pangulong Benigno Aquino III pa rin nananatiling lider ng bansa.
Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, misyon ng People’s Television ang maghatid ng katotohanan at makabuluhang impormasyon para sa mga mamamayan.
Ginawa ni Coloma ang reaksyon matapos matanong tungkol sa naging desisyon ng kampo ni Duterte na eksklusibong ilabas na lamang ang kanilang mga press statement sa PTV-4 matapos maging negatibo sa hanay ng media ang ginawang pahayag ni Duterte na kaya napapatay ang isang mediaman dahil korap at sa ginawang pagsipol sa isang TV reporter sa kasagsagan ng press conference.
Ayon kay Coloma, kung ang kautusan ay galing sa president-elect na idaan sa istasyon ng gobyerno ang kanyang mga pahayag ay tiyak na dadalhin ito ng PTV-4 na itinuturing na “People’s Television”.
“Kaya’t kung yan ang manggagaling sa president-elect, ay tiyak pong dadalhin yan ng PTV. Wala naman pong isyu hinggil doon dahil yan naman ang talagang misyon ng People’s Television,” ani Coloma.
- Latest