^

Bansa

Belmonte lalaban sa Speakership

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni House Speaker Feliciano Belmonte na nais niyang labanan si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa Speakership sa 17th Congress.

Ito ay upang makuha niya ang posisyon ng pagiging minority leader ng Mababang Kapulungan sa susunod na Kongreso. Aniya, hindi naman maaaring walang tatayong minorya sa Mababang Kapulungan.

Sa kabila nito, nangako si Belmonte  na magiging cooperative minority leader siya sa pamumuno ni Alvarez at sa administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte.
Sinabi pa ni Belmonte na hanggang walang lalabaging batas o probisyon ng Saligang Batas, 100% ang ibibigay niyang suporta kay Duterte para bigyang daan ang repormang gusto nitong gawin sa gobyerno.

Samantala, tumanggi  si Belmonte na ihayag kung ilan pang kongresista mula sa Liberal Party ang natitira sa kanyang panig dahil sikreto umano niya ito.

 

JOSE SISON

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with