^

Bansa

Kalaboso sa narcopoliticians

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “Mabubulok lahat kayo sa bilangguan.”

Ito ang babala kahapon ng tandem nina presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo “Rody” Duterte at Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa “narcopolitics.”

Nitong Miyerkules, kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang presensya ng “narcopolitics” sa bansa, at binanggit ang pagkaka-aresto noong 2015 ng may 200 opisyal ng gobyerno na sangkot sa illegal drug trafficking.

“Hindi ko hahayaan ang taumbayan na pamunuan ng ‘narcopoliticians’. Kung maihalal, sa unang taon ng aking termino kasama ni Sen. Cayetano, lilinisin ko ang gobyerno sa mga kriminal na ito at ididiretso sila sa mga bilangguan,” sabi ni Duterte.

Samantala, itinutulak naman ni Cayetano ang pagkakaroon ng high-tech police force para labanan ang krimen, drug trafficking at cyber-pornography. Ipinaliwanag ng vice presidential bet na mas magaling na at gumagamit ng teknolohiya ang mga kriminal para magsagawa ng iligal na aktibidad.

“Sobra na ang gulo dahil ang ating kapulisan ay walang sapat na kakayahan at teknolohiya para sugpuin ang krimen sa ating bansa,” sabi ni Cayetano.

Inihalimbawa ni Caye­tano ang iligal na pango­ngopya ng impormasyon o skimming ng automated teller machine (ATM) card at ang pagiging hub ng bansa sa international child cybersex industry.

Itinutulak ng Duterte-Cayetano tandem ang ilang mga pamamaraan para gawing moderno ang kakayahan ng PNP para masugpo at malutas ang krimen. Kabilang dito ang modernong crime response center katulad ng Davao City’s Integrated Emergency Response System 911 na agarang gagawa at magbibigay ng tulong.

ACIRC

ANG

CAYETANO

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DUTERTE

DUTERTE-CAYETANO

INTEGRATED EMERGENCY RESPONSE SYSTEM

NITONG MIYERKULES

SENATE MAJORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with