Imprenta ng balota tuloy na sa Pebrero 8
MANILA, Philippines – Tuloy na ang pag-imprenta ng mga balota sa Pebrero 8.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista, hindi na umano nila kakayanin pa na hintayin ang magiging desisyon ng Supreme Court (SC) kaugnay sa ruling sa disqualification case laban kay Sen. Grace Poe bago magsimula ang printing ng mga balota.
Sinabi ni Bautista, na tatlong beses na silang nagtakda nang petsa nang printing ng voters ballot para lamang maantay ang Korte Suprema pero hanggang ngayon ay wala pang desisyon ang kataas-taasang hukuman.
Inamin ni Bautista na gustuhin man nila na antayin ang korte, ay hindi na nila ito magagawa at baka magka-aberya pa ang halalan.
Aabot sa 50 milyon ang paunang balota na iimprenta.
Bukas ay muling ipagpapatuloy ng SC ang oral argument at inaasahang ang Comelec naman ang gigisahin ng mga mahistrado kung bakit ninanais nilang madis-qualify si Sen. Poe.
- Latest