^

Bansa

Mabagal na hustisya sa SAF 44 binatikos

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpahayag si Leyte Rep. at senatorial candidate Martin Romualdez ng pagkadismaya na isang taon matapos ang Mamasapano “massacre” ay hindi pa rin nakakamit ng 44 napatay na miyembro ng PNP Special Action Force ang hustisya.

“The families of the victims of the Mamasapano massacre are well within their right to demand justice for the death of the 44 gallant troopers considering that the incident took place even as a peace agreement between the government and the Moro Islamic Liberation Front (MILF) was already in place,” wika ni Romualdez.

Bilang resulta ng Mamasapano massacre, naudlot ang pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) matapos kwestyunin ng mga mambabatas ang pagiging naaayon nito o hindi sa Konstitusyon.

Ayon kay Romualdez, suportado niya ang mga susog o amyenda sa proposed BBL upang maiayon ito sa mga probisyon ng Konstitusyon. Kinatigan naman ni Romualdez, presidente ng Philippine Constitution Association at leader ng independent minority bloc sa Kongreso, ang pagbibigay ng posthumous awards sa mga miyembro ng SAF 44.

“They demonstrated extraordinary bravery amid overwhelming odds,” ani Romualdez.

ACIRC

ANG

BANGSAMORO BASIC LAW

KONSTITUSYON

LEYTE REP

MAMASAPANO

MARTIN ROMUALDEZ

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PHILIPPINE CONSTITUTION ASSOCIATION

ROMUALDEZ

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with