Rep. Velasco tanggal sa House?
MANILA, Philippines – Dahil sa paghahain ng kanyang kandidatura bilang Alkalde ay ‘forfeited’ o tanggal na sa Kongreso si Ang Mata ay Alagaan (AMA) Partylist Rep. Lorna Velasco.
Ayon kay Pastor ‘Boy’ Saycon, Sec. Gen. ng Coucil on Philippine Affairs (COPA), sa mata ng batas ay hindi na miyembro ng Kongreso si Velasco dahil umano sa paglabag nito sa Republic Act 7941, Section 15 na sino mang Partylist Representative ang nagbago ng kanyang partidong pampulitika o sector na kinaaaniban ay kusa na niyang itiniwalag ang kanyang puwesto sa Kongreso sa ilalim ng kasalukuyan niyang partido.
Maging si Atty. Harry Roque ay nagsabing hindi na dapat pang umakto bilang Cogresswoman si Velasco dahil nakapaghain na ito ng kanyang kandidatura bilang alkalde ng Torrijos, Marinduque, sa ilalim ng partidong NUP noong Oktubre 16, 2015.
Bunsod nito ay hihilingin ni Atty. Roque sa Commission on Audit (COA) na siyasatin ang budget at expenses na natanggap ni Congresswoman Velasco simula noong Oktubre 2015 hanggang sa kalasukuyan.
Nagtataka si Saycon at Atty. Roque kung bakit nanatili pa rin sa kongreso si Velasco hanggang sa ngayon at tumatanggap pa rin ng suweldo at benepisyo gayong tatlong buwan na ang nakakaraan simula pa nung naghain siya ng kanyang kandidatura.
Si Rep. Velasco ay asawa ng batikang mahistrado ng Korte Suprema na si Justice Presbiterio Velasco.
- Latest