^

Bansa

5 OFWs na minaltrato sa UAE, inuwi ni Binay

Ellen Fernado - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – ‘Uuwi na kayo.’

Ito ang huling pahayag ni Vice President Jejomar Binay sa limang overseas Filipino workers (OFWs) na biktima ng pagmamaltrato at kinupkop ng  Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai, United Arab Emirates.

Ayon kay Binay, naka-iskedyul na dumating kasama niya sa Biyernes ng gabi sa Manila ang limang OFWs.

 “Hindi man sila nakauwi noong Disyembre, ito ang pinakamagandang pamasko para sa kanila at sa kanilang mga pamilya,” ani Binay.

Nabatid na nakipag­kita si Binay, dating Pre­sidential adviser on OFW concerns, kina Rosminda Baui, 27, tubong Cabagan, Isabela; Belsie Espine, 36, ng Magalona, Negros Occidental;  Leo­wilyn Tan, 31, ng Wao Lanao del Sur;  Angelyn Tak, 26, ng Kiamba, Saranggani at Lucrecia Insesto, 42, ng Zamboanga Sibugay sa POLO center sa Dubai noong Huwebes at sinabi niya ng personal ang magandang balita na isasama na sila pag-uwi nito sa Pilipinas matapos ang kanyang 3-araw na pagbisita sa UAE.

Ang lima ang karamihang nag-run away sa kanilang employer matapos na dumanas ng pagmamaltrato at pang-aabuso.

Sinabi ni Binay na inako ng kanyang mga nagmagandang loob na kaibigan at supporter ang plane tickets ng limang OFWs.

“Bago kami umalis papunta dito sa Dubai, nalaman namin na may mga kababayan tayo na pwede nang umuwi at kulang na lang ang pamasahe kaya minabuti namin na tumulong sa kanila,” pahayag ni Binay.

“May mga nagmagandang loob na kababayan natin sa Pilipinas, mga businessmen at private individuals na nagbigay ng pambili ng tickets.

Natutuwa at nagpapasalamat ako sa kanila sa ibinigay nilang tulong upang makapiling na ulit ng ating mga kababayan ang kanilang mga mahal sa buhay,” dagdag pa ng Bise Presidente.

Sinabi ni Binay, dati ring chairman of the Presidential Task Force Against Illegal Recruitment (PTFAIR), na handa siyang tumulong sa imbes­tigasyon sa mga kaso ng OFWs lalo na sa mga nabigyan ng ibat ibang trabaho na iba sa kanilang nilagdaang kontrata kasabay ng panawagan nito na magkaroon ng mas malinaw na panuntunan sa repatriation sa mga undocumented OFWs.

ACIRC

ANG

ANGELYN TAK

BELSIE ESPINE

BINAY

BISE PRESIDENTE

DUBAI

LUCRECIA INSESTO

MGA

NEGROS OCCIDENTAL

PHILIPPINE OVERSEAS LABOR OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with