^

Bansa

SC nalagay sa alanganin sa poll ads ni Poe

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nalagay umano sa alanganin ang Supreme Court (SC) dahil sa ads ni Sen. Grace Poe na nagbabanggit sa disqualification case ng kanyang amang si Fernando Poe, Jr.

Ayon kay Atty. Raymond Fortun, mali ang  nais na ipahiwatig ng ads kung saan maaaring makasira sa Kataas-taasang  Hukuman.

Makikitang pinag-uusapan  ng magkakapitbahay ang disqualification ni Poe kung saan binanggit ang “Kandidato pa rin po pala si Grace Poe”, Ganyan na ganyan din yung ginawa nila sa tatay niyang si FPJ (Fernando Poe Jr.), Pero sa huli, pinayagan ng Korte Suprema na tumakbo, parang pelikula lang yan ni FPJ, nagpapabugbog sa simula!” 
Ang ‘ganyan-ganyan din ang ginawa nila sa tatay nyang si FPJ’ ay panlilinlang  o panlilito sa publiko. Nananatiling nakabinbin sa SC ang  isyu.

Sinabi ni Fortun na dapat na alam ng mga abogado ni Poe ang pagpapalabas ng ads dahil posibleng magdulot ito ng masamang epekto sa imahe ng Korte Suprema.

Binigyan-diin naman ni Atty. Romulo Macalintal na magkaiba ang kaso ng senador sa kaso ng kayang amang si FPJ.

Aniya, kilala ang mga magulang  ni FPJ at deklaradong natural born Filipino habang  ang senador naman ay “foundling” at  kuwestionable pa ang citizenship ng mga magulang nito. May isyu din tungkol sa residency ng senador.

Matatandaang 2004 nang ideklara ng SC na Filipino si FPJ bagama’t itinuturing itong illegitimate ng kanyang American mother.  Ang citizenship ni FPJ ay mula sa ama nitong Filipino.

ACIRC

ANG

FERNANDO POE

FERNANDO POE JR.

FPJ

GRACE POE

KORTE SUPREMA

NBSP

RAYMOND FORTUN

ROMULO MACALINTAL

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with