Nagpondo sa Oplan Exodus tukuyin - Gatchalian
MANILA, Philippines – Hiniling ni Valenzuela City Rep. Win Gatchalian sa pagbubukas muli ng imbestigasyon ng Senado sa Mamasapano massacre na silipin din ang pinagmulan ng pondo para sa Oplan Exodus upang matukoy kung sino ang nagbibigay ng utos sa top-secret operations ng PNP-SAF noong Enero 25, 2015 na ikinasawi ng 44 SAF men.
Sinabi ni Gatchalian, na puwedeng alamin ang total expenses na ginamit sa Oplan Exodus at kung sino ang nagpondo sa SAF para isagawa ang operation laban kay Marwan.
Paliwanag ng kongresista, hindi pa natutukoy sa isinagawang mga imbestigasyon kung magkano ang kabuuang gastos sa operasyon at kung sino ang nagbigay ng pondo at logistics sa SAF units.
Maging ang Malakanyang umano ay hindi nagsasalita tungkol dito at kahit si dating SAF Chief Getulio Napeñas ay hindi direktang masabi ang eksaktong halaga ng pondo.
Nang tanungin noon si Napeñas ukol sa pinagmulan ng pondo sa operasyon ay iginiit nitong ang kanilang comptroller ang naglabas ng P100,000 para isilbi ang warrant laban kay Marwan at Basit Usman.
May patong sa ulo si Marwan ng $5 milyon habang $2 milyon naman kay Usman dahil sa nakalista ang mga Ito na most wanted terrorists sa Estados Unidos.
“If the new Senate probe can secure evidence that PAOCC provided funding for the SAF operation, this will prove that President Aquino had a direct hand in Oplan Exodus,” punto pa ni Gatchalian.
May lumutang din na impormasyon na nasa likod ng OplanExodus ay ang US para madakip ang most wanted terrorists Kung saan ay ginamit nila ang 84th seaborne company ng SAF.
“If the report about US involvement is true, then it follows that they were the ones who provided the actionable intelligence and resigned PNP chief Alan Purisima could be their main contact in the PNP by virtue of his being the highest ranking officer despite his suspension,” sabi pa ng NPC senatorial bet.
- Latest