^

Bansa

BRT may pakinabang sa lahat - Gatchalian

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela si Valenzuela Rep. Win Gatchalian sa National Economic and Development Authority (NEDA) na agad isakatuparan ang inaprubahang mga bagong infrastructure projects kabilang ang Bus Rapid Transit o BRT.

Kasabay nito pinasalamatan naman ng kongresista ang NEDA at si Pangulong Aquino sa mga bagong proyekto na umano’y pakikinabangan ng kasalukuyan at mga susunod pang henerasyon.

Partikular na tinukoy ni Gatchalian ang 3 transportation projects o ang Manila-Quezon Avenue Bus Rapid Transit, North Luzon Expressway-South Luzon Expressway Connector Road Project, at ang four-lane toll road na mag-uugnay sa NLEX at SLEX.

Mas maganda umano kung masisimulan ito sa lalong madaling panahon sa gitna nang matinding problema sa traffic sa Metro Manila.

Kumbinsido ang mambabatas na malaki ang maitutulong ng nasabing mga proyekto para mapabilis ang biyahe ng mga tao at mga produkto sa murang halaga.

Paliwanag pa ni Gatchalian na noong 2008 ay personal niyang nasaksihan kung gaano ka-episyente ang Transmilenio BRT system sa Bogota, Colombia na naging inspirasyon ng maraming Asian countries para gumawa ng sarili nilang BRTs. Gemma Garcia/Butch Quejada

ANG

BUS RAPID TRANSIT

BUTCH QUEJADA

GATCHALIAN

GEMMA GARCIA

MANILA-QUEZON AVENUE BUS RAPID TRANSIT

METRO MANILA

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTH LUZON EXPRESSWAY-SOUTH LUZON EXPRESSWAY CONNECTOR ROAD PROJECT

PANGULONG AQUINO

VALENZUELA REP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with