COC ni Duterte pinakakansela sa Comelec
MANILA, Philippines – Panibagong petisyon ang inihain sa Commission on Elections (Comelec) na kumukuwestyon sa ligalidad ng kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sa siyam na pahinang petisyon, hiniling ni Rizalito David na ideklara ng Comelec na ang substitution ni Duterte kay Martin Dino bilang pambato sa pagkapangulo ng Partido PDP-Laban ay walang bisa.
Dahil dito, dapat lamang umano na makansela ang COC ni Duterte.
Giit ni David, malinaw naman na ang COC ni Duterte ay inihain lagpas na ang deadline para sa pagsusumite ng COC na itinakda nuong October 16, 2015.
Idinagdag pa ng petitioner na ang ginawang pag-atras ni Dino sa kanyang kandidatura ay pagpapaikot sa Comelec Rules of Procedure.
- Latest