Pagbibigay ng lisensiya sa trike drivers hihigpitan
MANILA, Philippines – Hihigpitan na ang pagbibigay ng lisensya sa mga tricycle drivers bago payagan ang mga ito na makapamasada sa kalsada.
Sa ilalim ng ‘Tricycle Drivers Safety Act’ na inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, obligado ang mga tricycle drivers at operators na sumailalim muna sa motorist awareness at safety program bago bigyan ng lisensya na mag-operate.
Ito ay dahil sa ang mga insidente umanong kinasasangkutan ng tricycle ay ika-apat sa mga motor vehicle injuries at mas accident-prone pa kumpara sa mga 4-wheeled vehicles.
Bukod dito malaki umano ang papel ng tricycles para sa riding public kaya dapat na masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero nito at driver.
Nakasaad pa sa panukala ang pagbibigay ng skills training, safe driving, at accident avoidance lectures sa mga drivers at ang curriculum na ito ay idedesenyo ng LTO, TESDA at LGU na nakakasakop dito.
Saka lamang papayagan ang mga itong bumiyahe at mag-operate sa sandaling nabigyan na sila ng certificate mula sa LTO.
- Latest