Pala-absent na kongresista pinaiimbestigahan sa Ombudsman
MANILA, Philippines – Hinikayat ni Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga ang Office of the Ombudsman na pagpaliwanagin ang mga pala-absent na kongresista tulad ng mga ordinaryong empleyado ng gobyerno.
Sinabi ni Barzaga, na malawak ang kapangyarihan ng Ombudsman kaya may karapatan itong mag-imbestiga sa mga empleyado ng gobyerno at pag ginawa umano ito ng nasabing tanggapan ay magmimistulang test case na rin ito.
Paliwanag ng Kongresista kung ang isang ordinaryong empleyado o opisyal ng gobyerno gayundin ang mga nasa pribadong sector ay nasisibak dahil sa pagiging absenero sa trabaho bakit hindi ang mga mambabatas.
Giit ni Barzaga, nasa public office silang mga mambabatas at “public office is a public trust”at tuloy tuloy din ang sahod nila kaya dapat lamang na pagpaliwanagin ng Ombudsman ang mga pala absent na kasamahan sa Kamara kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng administratibo.
Bagamat mayroon naman umanong separation of powers ang kongreso ay maituturing naman na isang constitutional body ang Ombudsman.
Para kay Barzaga nasasayang ang buwis ng taumbayan dahil sa pagiging absenero ng mga kongresista dahil wala silang nagagawa at kaya bumababa rin ang rating ng Mababang Kapulungan.
- Latest