Bago matapos ang termino ni PNoy... Palasyo umaasang makakamit ang hustisya sa mga biktima ng Maguindanao massacre
MANILA, Philippines – Umaasa ang Palasyo na bago bumaba sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino III sa June 30, 2016 ay magkaroon na ng hustisya ang mga biktima ng Maguindanao massacre, ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.
Ginunita kahapon ng National Press Club (NPC) sa pamamagitan ng isang kilos-protesta sa Mendiola ang ika-6 na taon ng Maguindanao massacre kung saan ay 32 na mediamen ang nasawi sa naturang insidente.
Ipinaalala ng NPC sa pamamagitan ng pangulo nitong si Joel Egco kay Pangulong Aquino ang pangako nitong makakamit ang hustisya ng mga biktima bago ito bumaba sa poder subalit ilang buwan na lamang ang nalalabi sa termino nito ay wala pang linaw ang kaso.
“We are one with them in wanting that the case be expedited, for the decision to come out, once all the issues have been resolved. We have always said that. In fact, like I said, the President asked for a live coverage of the trial. But there are certain limitations that which we cannot go beyond, otherwise, we will be accused of interference. We have done within our powers… Supreme Court has responded. In fairness to the Supreme Court, they have responded with this resolution. It is with the judge… At the end of the day, it is with Judge Solis-Reyes and how she conducts a trial that makes a difference on the pacing of the Ampatuan case. We are with the families of the Ampatuan (massacre victims’) relatives. In fact, we met with them prior to, I think, 2009 or 2010,” paliwanag pa ni Sec. Lacierda sa media briefing kahapon.
- Latest