^

Bansa

PNP, AFP full alert sa Paris attack

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinaas na kahapon sa full alert status ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang buong puwersa nito sa bansa kasunod ng malagim na pag-atake sa Paris, France na ikinasawi ng nasa 128 katao.

Ito’y sa gitna na rin ng mga paghahanda kaugnay ng gaganaping Asia Pacific Economic Coope­ration (APEC) Summit sa Metro Manila sa susunod na linggo.

Ayon kay PNP Chief Supt. Wilben Mayor, Spokesman ng Security Task Force APEC 2015, bagaman walang natatanggap na banta sa seguridad sa panahon ng APEC Summit ay mahigpit na magbabantay ang kapulisan sa mga pangunahing instalasyon ng gobyerno.

Nanawagan din ang opisyal sa publiko na maging kalmado at huwag magpanik matapos ang pag-atake sa Paris dahil ginagawa naman lahat ng PNP katuwang ang iba pang security forces upang panga­lagaan ang seguridad ng APEC Summit.

Sa pahayag naman ni Chief Supt. Jonathan Miano, PNP Director for Operations, tanging ang pagdaraos ng mga kilos protesta ang banta na kanilang namomonitor sa kasalukuyan.

Sinabi naman ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla na sa Lunes pa sana magtataas ng alerto ang AFP para sa APEC subalit napaaga ito matapos nga ang madugong terrorist attack sa Paris na gumimbal sa buong mundo.

Nasa 30,000 security forces mula sa PNP, AFP at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang mangangalaga sa APEC Summit.

Ipatutupad din ang “no fly” at “no sail” zones sa palibot ng Manila Bay at maging sa Pasig River sa Palasyo ng Malacañang.

Ang APEC Summit ay dadaluhan ng 21 world leaders sa pangunguna ni US Pres. Barack Obama at mga bansang Australia, Brunei Darussalam, Canada, Chile, China, Hong Kong-China, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, Russia, Singapore, Chinese Taipei, Thailand at Vietnam.

Kinansela naman nina Russian President Vladimir Putin at Indonesian Pres. Joko Widodo ang pagbiyahe nito sa Pilipinas para sa naturang okasyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

APEC

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPE

BARACK OBAMA

BRUNEI DARUSSALAM

CHIEF SUPT

CHINESE TAIPEI

HONG KONG-CHINA

INDONESIAN PRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with