OFWs mag-ipon, palaguin ang kita - Villar
MANILA, Philippines – Binigyan diin kahapon ni Sen. Cynthia Villar na kailangan ng ating overseas Filipino workers na matutong mag-impok at palaguin ang kanilang pinaghirapang pera.
Ang pahayag na ito ni Villar ay bunsod ng resulta ng survey na nagpapakita ng pagbaba ng bilang ng OFWs household na nag-iipon at nag-iinvest ng kanilang remittances.
Binanggit ni Villar ang resulta ng Consumer Expectations Survey for Third Quarter 2015 na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Isinaad dito na bumaba ang OFW households saving mula sa 49.7 percent sa second quarter mula sa 38.2 percent sa third quarter.
Bumaba din sa 6.2% mula sa 6.7% noong second quarter ang porsiyento ng OFW households na naglalaan sa investments.
“The mindset should not be working abroad for the remainder of their life. There should be a viable plan upon return to the Philippines that would make their earnings abroad grow,” ani Villar, chair ng Committee on Agriculture and Food, and Committee on Government Corporations and Public Enterprises.
Inihayag ng senador na ang Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) ay nakiisa sa Go Negosyo para mabigyan ang OFWs at kanilang pamilya ng kaalaman sa pagsisimula ng negosyo and entrepreneurship.
- Latest